Hindi parin ako okay. Ang bigat sa pakiramdam na naiwala ko yun. Huhuhu ngayon lang talaga ako naging ganito. Bakit sa lahat ng mawawala ko yun pa. Pwede namang ibang gamit ko nalang. Ang alam ko umuwi pa ako nung thursday na suot ko yun. Pero nung friday morning papasok na sana ako kaso hindi ko makita. Nalate na ako’t lahat hindi ko parin makita. Naiyak na ko nun tapos pumasok akong sobrang hinang hina. Di mawala sa isip kong naiwala ko. Dahil sobrang wala akong gana, nilagnat na ako. Huhuhu. Nakakaiyak kasi yun yung unang bigay niya sakin eh. Nakakaiyak kasi iniingatan ko talaga yun ng sobra. Nakakaiyak kasi yun nalang nga pinanghahawakan ko tuwing namimiss ko siya na pwede kong dalhin kahit nasan ako. Huhuhu. Nakakaiyak talaga. OA na sige, pero kasi ang dami talagang memories nung bracelet na yun. Sobrang dami. Ang dami ko ng niluha dahil sa nawala ko yun. Huhu. Motivation ko yun sa lahat ng bagay. :((( Sana makita ko pa. Sana talaga. :((( Please. Ang hirap ng walang yun. Please :(((( Nanghihina parin ako. :(((((

Isa sa mga pinakamahirap na sitwasyon ay yung bigla ka na lang maninibago kasi yung mga bagay na nakasanayan mo, hindi na nangyayari, hindi mo na nagagawa, at hindi mo na nararamdaman.
DB (via escafeism)
I don’t know what I do wrong but it seems like I’m always the second choice for everybody.

Hanggang ngayon, nakakalungkot parin yun nangyari sa tour ng mga tourism students sa Bulsu. Yung nagtour lang sila, tapos wala silang kaalam alam na hanggang dun nalang pala yung buhay nila. Nagtry din ako sa Bulsu eh. Kaya naiisip ko na paano kaya kung napasa ko yun o kaya tinuloy ko yung pagpasok dun tapos  nakasama ako dun. Eh kapag ganun pa naman, pag may nagaya saking itry yung isang bagay madalas tinatry ko nga kahit hindi ko naman sure kung kaya ko. 

Nakakapanghina yung sa isang namatay. Naiwanan niya yung boyfriend niya. Yun talaga laman ng fb timeline ko. Ang hirap siguro nun. Sobrang hirap. Walang kaalam alam na mangyayari yun. Tapos nakapagtext pa sakanya yung girlfriend niya bago mamatay.

Paano kaya kung ako yung nasa lagay nila? May iiyak kaya? Ano kaya reaction nila? Perrrrrrrrooooo.. Wag naman sana. :) Pero kinakabahan narin tuloy ako sa mga tour. 

Tuesday be like: 

  • Pagkatapos namin maglunch, nagpasama yung blockmate ko sa photoshoppe para magpapicture. At dahil wala akong magawa tumayo ako katabi nung mannequin tapos hindi talaga ako gumagalaw. Tapos may dumaan na group of boys, more than 5 siguro sila tapos may isang gulat na gulat sakin kasi tinitingnan nila yung mga designs sa stall tapos biglang ako makikita. Epic reaction eh! HAHAHA! Napatalon pa. HAHAHA! Pati blockmates ko tawang tawa sa ginawa ko.
  • Wala kaming Nat Sci today kaya early dismissal, attendance lang tapos uwi na. Habang busy sila sa pagpapaunahan makapirma busy din ako sa kakasulat sa board ng kung ano ano. Ewan, basta walang prof tapos wala akong magawa nagsusulat ako sa board. Enjoy sa chalk eh. Haha!
  • Nung dismissed na, nagcybrary kami para wala na akong gagawing homework sa bahay. Habang nagcocomputer ako may nagsalita nang "Jane ganito ba to?" Hindi ako tumitingin sa nagsalita basta sumagot lang ako "Uhhh, wait lang" Tapos tumingin na ako sa likod, mga taga pharma dept pala tapos yung Jane na tinutukoy yung katabi ko. Napatingin tuloy sila sakin. Nakakahiya, sobra! Napa-"ay sorry po" Buti nalang tinawag ako nila Nica na Jane kaya nalaman nilang Jane din pangalan ko. Pano ba naman kasi. Ang daming Jane sa CEU! Huhuhu kaya tawag nila sakin minsan Janey. Ano ba yun. -___- Hahaha! Pati bag ang dami kong kaparehas. :(:)

One month. One month na kaming walang usap, walang paramdaman, walang kahit ano. One month ng patingin tingin lang ako sa fb profile niya kung nagupdate siya, sa twitter niya kung nagtweet ba siya. One month ng hanggang tingin lang ako sa chat box kapag online siya, tapos kapag nagrefresh ako offline na siya. One month ng hindi ko siya nakakamusta. Sobrang bigat sa pakiramdam. Yung parang sinasabi ng isip ko na tigil na. Pero yung puso ko, hindi kaya. Alam ko luma na yan, pero ganun eh. Sinasarili ko nalang talaga lahat. Kahit na madalas, naiiyak ako kapag naiisip ko pinipilit ko parin yung sarili ko maging positive. Kasi sabi rin niya sakin dati, huwag akong maging negative magtiwala ako sakanya. Kahit na wala naman kami. Hindi ko parin kaya bumitaw. Ayokong bumitaw. Kasi hindi ko yata kakayanin, yung tipong ayaw ko ng iba kasi siya lang talaga yung gusto ko. Sobrang mahalaga siya sakin. Hindi parin siya nawawala sa prayers ko. Siguro nga, great things comes to those who wait. Sigurado ako na simula dati hanggang ngayon, walang nagbago sa pagtingin ko sa kanya. Huhuhuhu psy 

I miss you but you seem just fine without me.
(via picsandquotes)

(Source: icanrelateto)

girlbehindthisblog:

I want o be that girl..

I want to be the first person that you’re thinking when you wake in the morning. I want to be the reason why you want to start your day stronger than yesterday. I want to be the reason of your every smile, like when i suddenly cross you mind then you cannot help but smile. I want to be that girl that you’ll be proud to have and you’ll be proud to tell it to everyone, to the whole world that you’re so lucky to have me. I want to be person that can make your heart skip a beat and even those butterflies in your stomach. I want to be the girl that you’ll afraid to lose and you won’t ever give up. I want you to love me just like how you love your family and treat me right. I want to be the girl that can change your bad habits into a good one. I want you to take care of me just like how i take care of you. I will do everything just to be the right girl for you. I want to be that important person in your life that you want to spend the rest of your life.

Ang babae ay mas mapride pa sa mga lalaki. Pero sa moment na ibaba nila ang pride nila at ipakita nila sainyo na vulnerable sila, ito na ang babae na dapat mong mahalin pangahabang buhay.
  • NOON: Sobrang asaran.
  • NGAYON: Sobrang iwasan.